Sa Zion at sa ating mga pamilya, maaaring humantong sa empatiya ang pag-unawa sa dahilan ng pag-uugali ng isang tao, pero nang hindi nalalaman ang dahilan, maaari tayong magkaroon ng maling pag-unawa sa kanila, magalit, at maging magkakaaway sa huli.
Kaya binibigyang-diin ng Diyos ang kahalagahan ng pagkakaunawaan at pagsasaalang-alang sa isa’t isa at ang “magmahalan sa isa’t isa” bilang isang mahalagang katuruan ng bagong tipan.
Ang mga miyembro ng Church of God ay nagninilay-nila sa pagdurusa, pasakit, kahihiyan, at mga insulto na tiniis nina Ama at Ina para sa kanila, inaalis ang kanilang dating pagkatao na namuhay lang para sa kanilang mga sarili, at nagsisikap na magbihis ng bagong pagkatao na nagsasaalang-alang sa isa’t isa, nagpaparaya sa isa’t isa, at aktibong nagsasagawa ng pag-ibig.
At ating nalaman at sinampalatayanan ang pag-ibig ng Diyos para sa atin. Ang Diyos ay pag-ibig at ang nananatili sa pag-ibig ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos ay nananatili sa kanya … At ang utos na ito na mula sa kanya ay nasa atin, na ang umiibig sa Diyos ay dapat ding umibig sa kanyang kapatid. 1 John 4:16–21
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy